No Classes - AGAIN
Thursday, August 9
Like my title says, there are no classes today -
AGAIN.Tagalog mode.Nakakatamad ngayong araw. Lalo na ang magbasa buong araw.
rawr*Binasa ko na yung mga dapat basahin at sa kasawiang palad, hindi ko pa nababasa yung sa Theo. Haiii.. Ayokong nasa bahay lang ako palagi, tataba lang ako. Wala akong ibang ginawa kundi matulog, manood ng tv, magbasa at kumain. Kanina lang ako naglaro ulit ng badminton para maburn naman ng onti yung fats ko. haha.. Natapos ko na rin yung essay ko at bukas ng lunch time ko na gagawin reaction paper ko sa english. Nakakatamad na. haii..Ba't ba kasi ang petix ko?! Bakit ba hindi ako matulad sa mga taong masisipag. ahahaha...well, sadyang ganyan ang buhay.
Exams na next week. Late na late na talaga kami sa lessons. Kawawa naman kami. Sana marami na kaming nagawa ngayon kundi lang diyan sa bagyong 'yan! argh* Masaya sana kung hindi pa malapit ang exams, okay pa sana kung walang pasok, eh NEXT WEEK na yun eh! waaa...pano kaya yun. Super worried na ako. Sana ilipat yung schedule ng exams. haii. Bukod sa mga lessons, nakakamiss kaya ang school!!! Lalo na yung mga tao noh?! hahaha...superr..T_T
Ang ewan kasi e.